Archive for March, 2006

24MarHow The Journey Began

This was formerly written on my Blurty, then transferred to my LJ. Now I’m posting it here because this is a great turning point in my life–the day I decided that I’ll grow in my Catholic Faith. After that day, crazy and insane things started to happen. My life has never been the same.

* * *

29 Oct 2004|02:12am

You will notice na maraming flashbacks and “blast-from-the-past”s na mangyayari sa susunod na mga blurty entries. Wala lang. Naisip ko munang mag do away with the usual posts. (Lamo yung mga tipong.. “I bought a new chenes today.” and mga “I had a quiz at blah today” kinda posts.) Meron akong dalawang subjects ngayon. ECONDEV saka INTECON. Doon, inaral namin yung mga economic theories mula panahon ni Makopong hanggang makarating kami sa present, contemporary times. In the process, nakita namin yung weaknesses ng theories na yun and after nun, nakagawa kami ng mas magandang recommendations. Parang ganun ang gusto kong gawin ngayon. (haha labo ba?) Basta.. Bear with me nalang. Enjoy to promise.

Saka..namiss ko ang style ng pagsulat ko sa Tabulas kaya dito ko na lang i-aapply. Pilipino naman ako kaya magtatagalog ako. Saka masarap magkwento pag medyo taglish at informal. Ays ba? Nga pala, nagbago ako ng blurty layout (do you like it?). Wala lang. I was inspired by life kasi. Mwahaha! Keso.

Anyhoo.. here it goes..

* * *

Simulat sapol, religious na magulang ko. Grader palang ako, aware na ko na religious sila—lalong lalo na tatay ko (wala atang hindi nakakaalam nito? At wala din sigurong kokontra haha!). Pag may Mass sa STC, siya yung nagbibigay ng Communion. Ganun din naman sa Parish namin dati.. Sa San Roque. Sa may Blumentritt. Pag magsisimba nga kami, dun kami sa first row.. basta malapit sa Altar. Kaibigan ng tatay ko yung mga pari at iba pang lay ministers (Si Bro. Candong, Si. Bro. Boy Itlong. Si Bro. Boy Mantika. Si Bro. Benzon—o ha nalala ko pa!). Ako naman, kinahihiya ko kasi ang weird lalo na pag inaasar ako ng mga kaklase ko noon. (ewan ko ganun ang pananaw ko dati e)

Naalala ko nung earlier years ng high school ko nagsimula yung pagiging “fans” ng magulang ko kay Bo Sanchez. Naalala ko, bumibili sila ng casette tapes niya nun at pinapatugtog yun sa kotse tuwing bumibyahe kame. Ako medyo KJ. Hindi ko type mga ganun e? Kadiri. Gusto ko radyo. Gusto ko Magic 89.9. Gusto ko Hanson at Moffatts. Yuck! Ako? Religious? No way!

Share ko lang.. Pag pumupunta kaming Bulacan, paglampas ng Toll Gate, maglalabas na nanay ko ng rosaryo. Marinig ko pa lang kilansing ng mga beads, automatic, sasandal na ako window at magkukunwaring natutulog. Style ko yun para makaiwas sa rosary e. Wais! Haha.

Hate ko din nun ang pag-attend ng mahahabang mass. Ang mass altogether. Gusto ko sa bahay lang at manood ng TV. Dati sa San Roque tagalog pa yung Misa. My gosh! Mas mahaba! Lalo na pag Easter Vigil. Josko! Nagaalboroto kami ng kapatid ko nun. Natatawa lang tatay ko pero walang paltos, aattend kami ng Easter Vigil. Shempre, utos ng batas, di mababali kaya sumasama naman kami at tinitiis ang mahahabang pagbasa na ewan ko ba nangaasar pa ata kasi kinakanta pa. Que Barbaridad! Pag andun na sa part na papatayin na lahat ng ilaw, natutulog ako haha! Buti na lang may crush akong sakristan nun at naeentertain ako.. kundi kalbaryo ang pagsisimba.

Pero lamo, my parents have always been consistent. Kahit anong gawin kong pagsusungit at pagmumukmok. Pagdabog. Pagsuway. Tuloy pa rin ang Mass. Ang Easter Vigil. Ang Talks ni Bo Sanchez. Ang rosary tuwing magkakaron ng mahabang biyahe. Di nagtagal… parang… gusto ko na din. Shempre, hindi ko pinapahalata. Pride pare.

Anyway, tuloy padin naman ako sa buhay highschool ko nun. Pacrushcrush na lang sa mga teachers. Kopya at doktor tuwing exams. Di pagsusulat ng mga latecomers sa attendance sheet kasi secretary ako nun (powerful! Haha!). Di gagawa ng assignment sa gabi dahil sa chat tas mangongopya pag umaga. Basta petty pasaway things lang. In short, I was having the time of my life. Mediocre sa studies. Pero I don’t really care. Masaya naman.

Nung third year ako, naging teacher ko si Ms. Tsaby sa Religion. Every week or so, pinapagawa niya kami ng reflection paper. At siguro matatawa nalang mga kaklase ko nun sakin pag sinabi ko na nageenjoy ako tuwing gumagawa ako nun. Kasi shempre added homework yun sa iba pero ewan ko ba, natutuwa ako. I have to admit na naeenjoy ko yung pagmumuni muni tungkol sa buhay. At narealize ko rin na enjoy palang magsulat. Nung mga panahong iyon, nagsimula akong maging in touch sa sarili ko. At narealize ko na ang buhay ko pala ay empty. Narealize ko na I have to do something with my spiritual life. (Btw, buhay pa yung mga reflections ko. Astig nga e kasi naghalungkat ako ng files at andito pa sila. Binasa ko nga e. Katawa.)

Continue reading ‘How The Journey Began’

02MarYummy Yamin

I’m really starting to dig that Yamin guy. Really great voice. That song’s hard to cover but he pulled it off.

I haven’t watched the episode yet (can’t wait to see it tonight), but I downloaded the mp3 from Rickey’s Site and was amazed.

Of course, Hearing and watching Chris Daughtry and Taylor Hicks perform is always a treat.

Yeah I agree with Paula. Can we have more boys this season? Muahaha.

***

Watched the season premier of The Amazing Race last night. The “Frosties” Ladies cracked me up. They’re sooo hyper haha! But I think I’ll root for the nerdy couple (for now) cause they’re sweet and look so cute together haha.


Recent Flickrs

      Ethan Thomas' 1st BirthdayEthan Thomas' 1st BirthdayEthan Thomas' 1st BirthdayEthan Thomas' 1st BirthdayEthan Thomas' 1st BirthdayEthan Thomas' 1st Birthday

Blogroll

Recent Listening

Close
E-mail It