24MarHow The Journey Began

This was formerly written on my Blurty, then transferred to my LJ. Now I’m posting it here because this is a great turning point in my life–the day I decided that I’ll grow in my Catholic Faith. After that day, crazy and insane things started to happen. My life has never been the same.

* * *

29 Oct 2004|02:12am

You will notice na maraming flashbacks and “blast-from-the-past”s na mangyayari sa susunod na mga blurty entries. Wala lang. Naisip ko munang mag do away with the usual posts. (Lamo yung mga tipong.. “I bought a new chenes today.” and mga “I had a quiz at blah today” kinda posts.) Meron akong dalawang subjects ngayon. ECONDEV saka INTECON. Doon, inaral namin yung mga economic theories mula panahon ni Makopong hanggang makarating kami sa present, contemporary times. In the process, nakita namin yung weaknesses ng theories na yun and after nun, nakagawa kami ng mas magandang recommendations. Parang ganun ang gusto kong gawin ngayon. (haha labo ba?) Basta.. Bear with me nalang. Enjoy to promise.

Saka..namiss ko ang style ng pagsulat ko sa Tabulas kaya dito ko na lang i-aapply. Pilipino naman ako kaya magtatagalog ako. Saka masarap magkwento pag medyo taglish at informal. Ays ba? Nga pala, nagbago ako ng blurty layout (do you like it?). Wala lang. I was inspired by life kasi. Mwahaha! Keso.

Anyhoo.. here it goes..

* * *

Simulat sapol, religious na magulang ko. Grader palang ako, aware na ko na religious sila—lalong lalo na tatay ko (wala atang hindi nakakaalam nito? At wala din sigurong kokontra haha!). Pag may Mass sa STC, siya yung nagbibigay ng Communion. Ganun din naman sa Parish namin dati.. Sa San Roque. Sa may Blumentritt. Pag magsisimba nga kami, dun kami sa first row.. basta malapit sa Altar. Kaibigan ng tatay ko yung mga pari at iba pang lay ministers (Si Bro. Candong, Si. Bro. Boy Itlong. Si Bro. Boy Mantika. Si Bro. Benzon—o ha nalala ko pa!). Ako naman, kinahihiya ko kasi ang weird lalo na pag inaasar ako ng mga kaklase ko noon. (ewan ko ganun ang pananaw ko dati e)

Naalala ko nung earlier years ng high school ko nagsimula yung pagiging “fans” ng magulang ko kay Bo Sanchez. Naalala ko, bumibili sila ng casette tapes niya nun at pinapatugtog yun sa kotse tuwing bumibyahe kame. Ako medyo KJ. Hindi ko type mga ganun e? Kadiri. Gusto ko radyo. Gusto ko Magic 89.9. Gusto ko Hanson at Moffatts. Yuck! Ako? Religious? No way!

Share ko lang.. Pag pumupunta kaming Bulacan, paglampas ng Toll Gate, maglalabas na nanay ko ng rosaryo. Marinig ko pa lang kilansing ng mga beads, automatic, sasandal na ako window at magkukunwaring natutulog. Style ko yun para makaiwas sa rosary e. Wais! Haha.

Hate ko din nun ang pag-attend ng mahahabang mass. Ang mass altogether. Gusto ko sa bahay lang at manood ng TV. Dati sa San Roque tagalog pa yung Misa. My gosh! Mas mahaba! Lalo na pag Easter Vigil. Josko! Nagaalboroto kami ng kapatid ko nun. Natatawa lang tatay ko pero walang paltos, aattend kami ng Easter Vigil. Shempre, utos ng batas, di mababali kaya sumasama naman kami at tinitiis ang mahahabang pagbasa na ewan ko ba nangaasar pa ata kasi kinakanta pa. Que Barbaridad! Pag andun na sa part na papatayin na lahat ng ilaw, natutulog ako haha! Buti na lang may crush akong sakristan nun at naeentertain ako.. kundi kalbaryo ang pagsisimba.

Pero lamo, my parents have always been consistent. Kahit anong gawin kong pagsusungit at pagmumukmok. Pagdabog. Pagsuway. Tuloy pa rin ang Mass. Ang Easter Vigil. Ang Talks ni Bo Sanchez. Ang rosary tuwing magkakaron ng mahabang biyahe. Di nagtagal… parang… gusto ko na din. Shempre, hindi ko pinapahalata. Pride pare.

Anyway, tuloy padin naman ako sa buhay highschool ko nun. Pacrushcrush na lang sa mga teachers. Kopya at doktor tuwing exams. Di pagsusulat ng mga latecomers sa attendance sheet kasi secretary ako nun (powerful! Haha!). Di gagawa ng assignment sa gabi dahil sa chat tas mangongopya pag umaga. Basta petty pasaway things lang. In short, I was having the time of my life. Mediocre sa studies. Pero I don’t really care. Masaya naman.

Nung third year ako, naging teacher ko si Ms. Tsaby sa Religion. Every week or so, pinapagawa niya kami ng reflection paper. At siguro matatawa nalang mga kaklase ko nun sakin pag sinabi ko na nageenjoy ako tuwing gumagawa ako nun. Kasi shempre added homework yun sa iba pero ewan ko ba, natutuwa ako. I have to admit na naeenjoy ko yung pagmumuni muni tungkol sa buhay. At narealize ko rin na enjoy palang magsulat. Nung mga panahong iyon, nagsimula akong maging in touch sa sarili ko. At narealize ko na ang buhay ko pala ay empty. Narealize ko na I have to do something with my spiritual life. (Btw, buhay pa yung mga reflections ko. Astig nga e kasi naghalungkat ako ng files at andito pa sila. Binasa ko nga e. Katawa.)

Di nagtagal, hindi na lang namin pinapakinggan si Bro. Bo sa tape. Nagaattend na rin kami ng talk niya sa Camp Aguinaldo every first Sunday of the Month (Plugging: punta kayo promise masaya at uplifting). Shempre nung una kong punta, medyo skeptical parin ako. Pag praise and worship na, at kakanta na ang buong sambayanan, e tahimik lang ako. Nagmamasid. Pero gusto ko na ring makisabay. Pero jahe rin shempre kasi hindi naman talaga ako religious sa mata ng magulang ko. Ayoko yung biglang sasabhin ng magulang ko na “uuuyy si Chesca religious na kumakanta na”. HAHA. Mashado kasi akong self-conscious dati e. Pero masasabi ko na dito na nagsisimulang madevelop ang aking Faith kay Lord.

Nung Fourth Year ako, medyo nasasanay na akong makikinig sa mga tapes. Hindi lang sanay. Nageenjoy na rin ako. Tumatawa sa punchlines, naghuhum ng mga songs. Minsan ako pa nagpapabili ng tapes na wala pa kami, pati Kerygma, pati ung book ni Bo. Nagpaautograph pa nga ako e. HAHA.

Nung Fourth Year ako, naging President ako ng IV-4. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari yun kasi shucks alam kong may pagkatimid, laid-back ako talaga noon pero nangyari. Hindi naman yun first time. Simula Prep ata e officer na ko ng class. Nung gradeschool, President din ako lagi, minsan Vice. Pero iba ang highschool e? Anyway.. So ayun nga..

Hindi ko alam bakit pero yung unti unting paglago ng Faith ko kay God ay nagrereflect ng onti sa way ko in doing things. Pano ko ba eexplain… Kung aaralin ko ang sarili ko noon, masasabi ko na ako’y makasarili at mapride. Simula nung nagstart ung Spiritual Longingness ko, parang automatically na alter yung “inner self” ko, I’m starting to be “different”. Hindi naman tipong naglalakad na ko ng paluhod sa chapel o kaya naging active na ako sa simbahan bigla. Hindi naman ganun. Given na yung situation ko e. Class President. So dun ko inapply.

Nafeel ko yun.. Na nagbago ako. Nanagsisimula na ang pagiging “selfless” ko. Pag may mga competition yung class namin or presentation.. hindi ako natutulog kakagawa ng kung ano ano. Mascot sa earth day, parol na gawa sa tetra packs, practice na inaabot hanggang gabi para sa Romeo and Juliet at paulit ulit na practice sa Songfest, costumes para sa dance pro.. among others.

Genuinely, narealize ko dun ang joy ng service at pagiging other-centered. And this works simultaneously with my slowly but surely growing Faith.

Pero don’t get me wrong ah. Tulad ng sinabi ko…hindi naman ako biglang Santa. Marami pa rin akong kalokohan sa buhay pero in a way, nagkaron ako ng “desire” to be good. Genuine goodness. Hindi yung good ako kasi tahimik , timid, neutral, no say, etc. Basta.

Pero lam nyo.. Napapansin ko din na habang ako’y nagttry maging mabait, dun nagsisimula dumating ang mga pagsubok. Yung tipong sagad sa buto na super sa heavygat talaga.

Like for ex. Class President ka pero hate ka ng Homeroom Teacher mo—and she’s very vocal about it mind you. O dba. Or yung problema mo sa close friends mo. Or yung mga naninira sayo na hindi mo naman alam bakit. Saka sige na nga..dagdag mo na din problema ng puso at ng looks (if you know what I mean haha!. ).

Saka ko na kwekewnto yun.. in the meantime, sabihin na lang natin na naovercome ko rin ang mga iyon.

Pagtuntong ko sa college, I made a pact to myself na I’ll be better. Nainspire kasi ako sobra sa mga tapes at talks at books and magazines. Mga words of wisdom ni Papi. Saka alam kong may mga pagkukulang ako nung highschool.. I’d like to make changes naman this time. And medyo nagreflect yun kasi in fairness nung frosh ako talagang nagtry akong magaral. Hindi naman puspusang aral pero nag-aral nonetheless. Di tulad nung highschool na total slack. Sa college, my effort na kong binibigay. Naging friendlier na rin ako and all. Basta. Unti-unti yun nagaganap.

And medyo ok naman ako. Masaya ako. Maraming natututunan. Nakikilala. And at the same time, nagrogrow din lalo yung Faith ko kay God. Kaya hindi naman sobrang napipilitan akong gawin yun kasi medyo natural na. Kaso…

Tulad nung nangyari dati nung Fourth Year na nagkaron ng problema kaso iba naman ang kwento ngayong college. Panibagong challenge nanaman for me. Eto yung sa Accounting—quali issue. Di ko na eelaborate. Basta lam nyo naman yun. Sobrang laki ng impact nun sakin. Parang natanggalan ako ng pride dahil dun. Tipong wala ka ng mukang haharap sa mga tao. Like before na depress ako. Pero blessing in disguise yun. Dun ko narealize kasi na labs ko magulang ko. Lalo na dad ko na hindi ko naman gaanong naappreciate dati. Anyway ibang kwento na yan. Bottom line is, hinarap ko yung challenge with courage and survived.

After nun.. nagshift na ko sa ECO. First term, ok ang grades. As in ayus. Nageenjoy din ako sa lessons. Hindi rin ako shadong nasstress. Inspired pa ako and all. In short, my happiness is at its peak. And I can finally say na I’m enjoying life.

Eto rin yung time na nasabi ko na proud ako maging Catholic. I’m growing more and more in my Faith. God is good to me and my family and sobrang thankful ako dahil dun. And it shows kasi kumakanta na ko pag Mass—nakapikit pa minsan (o ha!). Tapos pag may talk si Bo, at may Praise and Worship, nakikijoin na ako. Hindi na ko nahihiya. Pumapalakpak pa ko at nagssway. HAH! Hindi lang yun, I’m trying to be good sa parents, brothers, relatives and friends—na hindi ko talaga gawain dati. Saka sa studies, I’m slowly beginning to see the beauty of learning. I now know how to aspire and desire and dream. I learned to appreciate my talents and gifts. Basta. Ansaya saya saya ko hindi ko maexplain.

But the devil will find ways e. Just when you’re trying to be good and exemplify your Faith, kung kelan ka masaya at nappreciate mo ang blessings na bigay ni God, saka sha aattack. And usually, inaattack nya kung saan ka mahina. San ka vulnerable. San ka mabilis bibigay.

Currently I’m in this situation. I don’t even feel comfortable calling it a problem. But it’s hard. Mabigat siya kasi tinutumpok niya kung saan ako mahina—puso <3 . Kasi ngayon mas kumplikado na ang situation. Pag puso kasi, sapol lahat. Parang walang tiyak na sagot. At sa “problemang” iyon, maraming akong posibleng gawin. Mga instant na solusyon para makawala na..and fast. Most of them, alam ko hindi tama. Kaya hindi ko pipiliing gawin yun kahit alam ko na iyon ang pinakamabilis ang effect at pinakamagandang effect sa akin. Kasi I’d be deliberately hurting other people in the process. Alam ko kasi na I’m so much better kaya sabi ko sa sarili ko hindi ako magdidigress. Hindi. Kahit mahirap.

Self-transcendence. Overcoming one’s self.

Masaya pa rin ako in more ways than one kasi si God alam ko may plano. Vague pa rin shempre pero meron panigurado. At naniniwala ako na it’s slowly unraveling hindi pa lang ganun ka evident. Tulad nung mga challenges dati, alam ko malalampasan ko to. Hindi ako bibigay. I will continue being good. I will still keep the Faith. Hindi ako papabayaan ni Lord kasi love Niya ko.

* * *

Over-all realizations ko:
(Tamang naisip ko lang.. You may or may not agree.)

  1. Goodness is not equal to shyness and timidity and being neutral. You can be good by being assertive and by taking a stand.
  2. You can be religious if you want to. You can be in touch with your spiritual life if you allow yourself to. You will know God if you desire to know Him. Close your doors to these and you’ll never grow spiritually. (Sabi ko nga.. pride pare!)
  3. Faith isn’t just about going to Mass on Sundays. And it’s definitely not measured by the number of Bible verses you’ve memorized. Faith isn’t about saying “Jesus” a gazillion times a day. Faith can be actualized through service. Faith is exemplified through words, actions and deeds. Faith means being responsible for yourself and for others as well. Faith means carrying your cross. Faith is about being brave.. facing problems as they come. Faith is believing that God has His reasons and things happen according to His plan.

  1. Gravatar Icon 1 Rey | 25 Apr 2006

    You’re right, kiddo. Faith is not about rituals. it’s about obedience and knowing within yourself that someone poweful has died for your sins… Accepting God is a gazillion times better than reciting prayers everyday.

  2. Gravatar Icon 2 Olga | 09 Feb 2008

    hello chez! sobrang nkakainspire ka talaga…mapa-Pilipino, Inggles o Taglish, it was evident na lahat ng entries mo eh genuinely coming from the heart. We barely hear from each other, pero alam mo through your blogs, you continue to enlighten me about how I should face life kasi parang I’m going through a lot of similar situations na you went through…How I wish magkaroon din ako ng closer relationship with God like you!

  3. Gravatar Icon 3 chesca | 10 Feb 2008

    Hi Olga! Thank you so much for the touching comment! I’m glad that my posts have a positive impact on you. You know what, just continue to seek and to know God. This is will definitely be your first step in becoming closer to Him. God bless! )

Leave a Reply

For spam detection purposes, please copy the number 2840 to the field below:




Recent Flickrs

      APerturista UP PhotoshootAPerturista UP PhotoshootAPerturista UP PhotoshootAPerturista UP PhotoshootAPerturista UP PhotoshootAPerturista UP Photoshoot

Blogroll

Recent Listening

Close
E-mail It